Donald Trump, inanunsiyo na ang pagtakbo sa 2024 US Presidential election
Inanunsiyo na ng Republican at dating US President Donald Trump, ang muli niyang pagtakbo bilang pangulo ng Amerika sa halalan sa 2024.
Ang hindi pangkaraniwang maagang anunsiyo ni Trump sa White House race ay nakikita ng Washington bilang isang pagtatangka na ynahan ang iba pang mga Republican na naghahangad na maging flag-bearer ng partido, at upang pigilan ang mga potensyal na kasong kriminal laban sa kaniya.
Ilan sa mga posibleng maging pangunahing karibal ni Trump sa 2024, ay ang gobernador ng Florida na si Ron DeSantis, na muling nahalal noong November 8.
Si Trump, na natalo sa halalan noong 2020 sa Democrat na si Joe Biden matapos ma-impeach ng dalawang beses ng House of Representatives, ay naglunsad ng kanyang pinakabagong bid sa White House na may ilang potensyal na mga sagwil.
Siya ang target ng maraming pagsisiyasat sa kanyang mga naging gawi bago, sa panahon at pagkatapos ng kanyang unang termino bilang pangulo — na maaaring magresulta sa kanyang diskwalipikasyon.
Ang dating pangulo ay iniimbestigahan ng Manhattan district attorney at ng estado ng New York para sa mga alegasyon ng pandarayang may kaugnayan sa kaniyang negosyo at asset valuations.
Sinisiyasat din siya ng Department of Justice at mga prosecutor sa Georgia para sa kaniyang papel sa Jan. 6, 2021, insurrection attempt sa U.S. Capitol at mga pagtatangkang baligtarin ang resulta ng 2020 election. Iniimbestigahan din ng Federal prosecutors ang mga classified document na kaniyang dinala sa kaniyang tahanan sa Mar-a-Lago sa Palm Beach, Florida matapos niyang lisanin ang White House.
© Agence France-Presse