Dose-dosenang eskuwelahan nagsuspinde ng klase dahil sa panganib ng init ng panahon
Dose-dosenang mga paaralan sa Maynila ang nagsuspinde ng kanilang in-person classes ngayong Martes, dahil sa mapanganib na lebel ng init ayon sa education officials.
Sinusukat ng heat index kung ano ang pakiramdam ng temperatura, na isinasaalang-alang ang kahalumigmigan o humidity.
Sinabi ng PAGASA, na inaasahang aabot ang index sa “danger” level na 42 degrees Celsius sa metropolis ngayong Martes, at 43C bukas, Miyerkules.
Ang actual highest temperature forecast para sa Maynila ngayong Martes ay 34C.
Ang mga elementarya at sekondaryang paaralan sa pinakamataong bahagi ng Quezon City, ay inatasang magsuspinde ng klase, habang ang mga paaralan sa ibang mga lugar ay binigyan ng opsyon ng mga lokal na opisyal na lumipat sa remote learning.
May ilang paaralan na nagpatupad ng ‘shortened class hours’ upang maiwasan ang pinakamainit na oras.
Sa kanilang advisory ay sinabi ng PAGASA, na ang heat index na 42-51C ay maaaring maging sanhi ng “heat cramps at heat exhaustion” at malamang ang “heat stroke kung patuloy na mabibilad sa init.”
Dagdag pa ng ahensiya, ang heat cramps at heat exhaustion ay posible ring maranasan sa temperaturang 33-41C.