Dose-dosenang na-trap mula sa cable car sa Ecuador na isa sa pinakamataas sa buong mundo, nailigtas
Dose-dosenang katao ang nailigtas matapos ma-trap ng halos 10 oras sa isa sa pinakamataas na tourist cable car sa mundo, na nasa kabisera ng Ecuador na Quito.
Sa pahayag ng munisipalidad ng Quito, ligtas namang naibaba ang 75 katao na lahat ay nasa maayos na lagay, makaraan ang isang rescue operation na kinapalooban ngmga pulis at mga bumbero.
Ang mga ito ay na-trap sa loob ng “halos 10 oras” matapos maparalisa ang cable car systems dahil sa problema sa kuryente.
Batay sa pahayag, ang 48 kataong na-trap sa uppermost terminal sa taas na humigit-kumulang 4,000 metro (13,120 talampakan), ay ligtas na naibaba.
Labimpito ang nailigtas din mula sa mga gondolang huminto, habang ang 10 iba pa ay bumaba na sa ground makaraang mag-restart ang system.
Ang cable car ay Naglalakbay sa layong 2.5 kilometro (1.5 milya) sa pagitan ng dalawang terminal, na ang pinakamababa ay sa taas na 3,100 metro sa ibabaw ng dagat.
Makikita sa mga footage ng video sa Twitter account ng munisipyo, ang ginawang pag-rescue sa mga tao mula sa isang gondola kasama ang ilang bata na nakabalot pa ng blankets habang lumalabas sa kanilang cabin makaraang ligtas na muling makabalik sa lupa.