DOST-PCHRD: Bakuna kontra Covid-19 posibleng magamit na sa ikalawang quarter ng susunod na taon
Malaki ang posibilidad na magamit na ang bakuna kontra Covid-19 sa ikalawang quarter ng susunod na taon.
Ayon sa DOST- Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), sisimulan ang mga clinical trials sa 4th quarter ngayong taon.
Sinabi naman ni DOST Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, chair ng Inter-agency Task Force sub-technical working group on Vaccine Development, hindi lang ang mga bakunang gawa sa Russia ang sasailalim sa mga clinical trials kundi maging ang mga aprubado ng World Health Organization bilang bahagi ng solidarity trials.
Una na nang sinabi ni Guevarra na isasagawa sa Pilipinas ang Phase 3 Clinical trials para sa apat o limang bakuna na pre-qualified ng WHO.
Dagdag pa ni Guevara ipagpapatuloy ng DOST ang kolaborasyon sa mga bilateral partners kung saan ang mga Vaccine companies ay maaaring magsagawa ng Clinical phase 3 sa bansa.
Ulat ni Belle Surara