DOT at TPB pinangunahan ang paglahok ng Pilipinas sa World Travel Market (WTM) 2022 sa London
Pormal nang binuksan ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotions Board (TPB) Philippines ang Philippine Pavilion sa World Travel Market (WTM) 2022 sa ExCeL, London.
Ayon sa DOT, ang WTM London ay isang global travel and tourism event kung saan maaaring mag-network ang mga pinakamalaking pangalan at brands sa travel at related sector upang mapalago ang kanilang negosyo.
Tampok sa Philippine booth ang mga kilalang tourist sites sa Palawan, Cebu, Boracay, Bohol, Siargao, the Cordilleras, at Maynila.
Pinangunahan nina Tourism Secretary Christina Frasco at TPB CEO Maria Margarita Nograles ang delegasyon ng Pilipinas sa WTM.
Sinabi ni Frasco na ang misyon ng Philippine delegation sa global travel and trade meet ay maipabatid sa buong mundo na ang Pilipinas ay bukas at handa na para tumanggap ng mga turista at investments.
Tiwala naman ang kalihim na magtatagumpay ang Pilipinas sa hangarin nito sa WTM dahil sa magandang bansa ang Pilipinas.
Naniniwala si Frasco na nananatili ang Pilipinas bilang top destination sa mga turista sa kabila ng mga kalamidad at hamon na kinaharap ng bansa.
Kasama sa Philippine contingent sa WTM ang mga kumpanya sa bansa mula sa travel and tours, hotel, at dive sectors.
Moira Encina