DOT-DOLE Tourism Job Fairs nag-alok ng higit 8K trabaho sa Visayas at Mindanao
Nasa kabuuang 8,185 tourism jobs ang inalok sa ikalawang bahagi ng Trabaho, Turismo, Asenso ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Visayas at Mindanao.
Isinagawa ang magkaka-hiwalay na tourism job fairs sa Central Luzon, Western Visayas, at Northern Mindanao.
Layon ng programa na makapagbigay ng tourism livelihood sa mga nasabing rehiyon.
Ayon sa DOT, ang tourism job fair na ito na inilunsad ng Marcos administration ang kauna-unahan sa industriya ng turismo.
Bahagi anila ito ng holistic approach sa turismo para makatulong na makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng pandemya.
Sa Mayo 11 itinakda ang ikatlong yugto ng job fair na kaalinsabay ng ika-50 anibersaryo ng DOT.
Moira Encina