DOT tiniyak na handa sa pagpasok ng mga dayuhang turista
Pumalo na sa halos sampung libo ang mga dayuhang turista na pumasok sa bansa mula ng buksan ang border ng pilipinas sa mga visa free countries noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Tourism Secretary Berna Romulo Puyat na ang destinasyon ng mga turistang ito ay sa mga kilalang tourist destinations tulad ng Baguio, Boracay at Palawan.
Positibo ang DOT na tataas pa ito dahil nasa Pilipinas ang mga tourist destination na hanap ng mga dayuhan tulad ng sun, beach, open air at mga kakaibang putahe ng pagkain.
Tiniyak ng kalihim handa naman ang mga tourist destinations at mga tourism workers.
Katunayan 93 percent na ng mga manggagawa sa mga tourist spots at tourism related industry ang bakunado na at nabigyan na rin ng booster shot.
Malaking bagay raw ito para makuha ang tiwala ng mga turista at mawala ang agam agam na mahawa ng COVID-19.
Sa ngayon maraming dayuhan naman raw ang may reservation na at hinihintay na lang na magbukas ang ilang tourism destinations tulad ng Siargao at Bohol na ilan lamang sa hinagupit ng nagdaang bagyo.
Meanne Corvera