DOTr: Mga sasakyang wala pang RFID hindi muna huhulihin hanggang Disyembre
Hindi pa pagmumultahin ang mga motoristang walang Radio Frequency Identification (RFID) tags hanggang December 2020.
Ito ang nilinaw ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon sa DOTr, bagaman may batas na nagpapatupad sa RFID Law na pagpapataw ng parusa, hindi muna pagmumultahin ang mga car owners na ang kanilang mga sasakyan ay wala pang RFID.
Ang RFID ay tumutukoy sa cashless payment scheme sa mga expressway partikular sa South Luzon Expressway (SLEX) at Northern Luzon Expressway (NLEX) na ginawang aksyon para maiwasan ang hawaan sa COVID-19.
Belle Surara
Please follow and like us: