DPWH isinusulong ang pagtatayo ng bagong Southern Leyte Bridge at iba pang infrastructure projects sa Eastern Visayas
Isinusulong ng Department of Public Works and Highways ang pagtatayo ng bagong tulay para sa pagdudugtong ng mainland Southern Leyte at Panaon Island.
Ayon kay DPWH Acting Secretary Roger G. Mercado, prayoridad nila ang pagtatayo ng bagong tulay katabi ng Liloan Bridge sa Liloan, Southern Leyte para mapagdugtong ang Luzon hanggang Mindanao para sa mga dumadaan sa Samar at Leyte.
Bagamat na-retrofit na ang Liloan Bridge sa mga nakalipas na taon, 40 taon na rin kasi umano ito at may mga nakita naring ilang sira.
Courtesy : DPWH FB page
Kasabay nito, sinabi ni Mercado na may 5 malaking infrastructure project rin ang ipinapanukala sa Eastern Visayas.
Kasama na rito ang 5.79 kilometer Maasin City Coastal Bypass Road na magkokonekta sa Tomas Oppus Street sa Maasin City Port na magdudugtong sa Boundary ng Southern Leyte- Maasin-Macrohon-Daang Maharlika Road; completion ng Silago-Abuyog Coastal Road; widening ng Daang Maharlika Highway sa Southern Leyte; pagtatayo ng 19 km Bohol-Leyte Link Bridge; at 15 km Samar Pacific Coastal Road Project Phase 2 kasama ang pagtatayo ng Laoang 2 at Calomotan Bridge.
Madz Moratillo