DPWH, lumagda ng kasunduan sa LLDA para sa backfilling site ng Marikina River improvement project
DPWH, lumagda ng kasunduan sa LLDA para sa backfilling site ng Marikina River improvement project
Nakipagkasundo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Laguna Lake Development Authority(LLDA), upang gamitin ang isang bahagi ng lupa sa kahabaan ng baybayin ng Laguna de Bay sa Taytay, Rizal bilang backfilling site para sa river improvement works sa lower/middle Marikina River.
Sa ilalim ng isang tripartite memorandum of agreement na nilagdaan noong December 14, 2021 nina DPWH Undersecretary at Build Build Build Chief Implementer Emil K. Sadain, LLDA General Manager Jaime C. Medina, at Toyo Construction Co. Ltd. Project Manager na si Ryuta A. Ariyoshi, isang 30.04 ktaryang pag-aari sa Barangay Sta. Ana, munisipalidad ng Taytay, sa probinsiya ng Rizal, ang gagamitin bilang disposal area para sa materials na makukuha mula sa dredging at excavation ng waterways na sakop ng Marikina River Improvement Works ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP), Phase IV.
Ang paglalagda sa kasunduan ay sinaksihan din nina DPWH Unified Project Management Office (UPMO) Flood Control Management Cluster Project Director Ramon A. Arriola III, LLDA Assistant General Manager Generoso M. Dungo, at Toyo Construction Site Manager Tákao Hayase.
Ang PMRCIP Phase 4, na kasama sa talaa ng infrastructure flagship projects ng gobyerno, ay pinondohan sa pamamagitan ng isang loan agreement sa Japan International Cooperation Agency (JICA), para mas maibsan ang pagbahang dulot ng pag-apaw ng ilog Pasig at Marikina River.
Ang proyekto ay opisyal na inilunsad ni DPWH Acting Secretary Roger “Oging” Mercado kasama ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, JICA Chief Representative Eigo Azukizawa, Undersecretary Sadain at iba pang mga opisyal at kinatawan ng local government units at partner national government agencies, sa pamamagitan ng isang groundbreaking ceremony noong November 16, 2021 na ginanap sa EFCOS Compound, Barangay Manggahan, Pasig City.
Sinabi ni Undersecretary Sadain na ang MOA sa LLDA, na mayroong regulatory function at hurisdiksyon sa buong Laguna de Bay, ay nilayon na suportahan ang kinakailangang proyekto ng DPWH para sa tamang pagtatapon o proper disposal sa loob ng apat (4) na taon.
Ang lugar ay natukoy bilang angkop at mainam na backfilling site para sa mga materyales na kukunin mula sa dredging at paghuhukay ng DPWH sa pampang ng ilog at daluyan ng tubig, na pakikinabangan naman ng LLDA dahil ang inaalok na lupa ay maaayos ay maiibsan ang pagbaha.
Bilang kontratista ng proyektong ito ng DPWH, ang Toyo Construction matapos makakuha ng mga kinakailangang permit at clearance mula sa LLDA at iba pang naaangkop na ahensya ng gobyerno at local government units, at may kondisyong mahigpit na environmental compliance, ang mangangasiwa sa operasyon ng paghakot at pagtatapon ng dredged materials sa disposal site.
Sasakupin ng PMRCIP Phase 4 ang structural at non-structural measures na magpapagaan sa mga pinsala ng baha sa Metro Manila na dulot ng channel overflow ng Pasig-Marikina River, sa gayon ay mapapadali ang pag-unlad ng lungsod at pagpapahusay sa sustainable environment sa kahabaan ng ilog.