Dry-run sa Boracay, nagsimula na….Mga Government officials, nagsagawa rin ng Medical mission
Matapos ang halos anim na buwan, umarangkada na ang dry-run para sa muling pagbubukas ng Boracay island na nakatakda sa October 26.
Kasabay nito ang Medical mission sa Barangay Manok-manok kung saan rin ginanap ang salubungan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga Aklanon bago ang Ceremonial opening.
Ayon kay Tousirm secretary Berna Romulo Puyat, malalaman sa dry-run kug mayroon pang mga dapat baguhin sa mga nailatag ng bagong panuntunan bago ang soft opening sa October 26.
Kinumpirma rin ni Puyat na 25 pa lamang sa mga estabslishments sa Boracay o 2065 rooms ang nakapag comply sa itinakdang panuntunan kaya sila lamang ang papayagang makapag-operate at makapag-book ng mga turista.
Una nang inihayag ng Task Force Boracay na limitahan na lamang sa 6,000 kada araw ang bisita sa Boracay island.
Sabi ng kalihim kahit bubuksan sa publiko ang Boracay sa susunod na Linggo, tuloy ang rehabilitasyon na maaaring matapos sa December 2019.
Samantala, inilabas ng Department of Tourism ang listahan ng mga establishments na naka comply at papayagang makapag operate.
Masusi aniyang imomonitor ng Inter Agency Task force ang mga establishments para maiwasan na ang anumang environmental abuses.
Ulat ni Meanne Corvera