DSWD at National Authority for Child Care naglabas na ng guidelines sa bagong batas sa pag-aampon
Inilunsad na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Authority for Child Care (NACC) ang implementing guidelines ng Republic Act 11642 o Domestic Administrative Adoption Act.
Sinabi ni DSWD Undersecretary for National Authority for Child Care Janella Ejercito Estrada na palalakasin ng inilunsad na implementing guidelines ang programa ng gobyerno sa alternative child care.
Sasaklawin din ng implementing guidelines ang inter-country adoption.
Sa pamamagitan ng Domestic Administrative Adoption Law, masisiguro ang kaligtasan ng bawat bata na nangangailangan ng pagkalinga.
Niliwanag pa ni Estrada na pananagutan ng Estado na protektahan ang mga batang abandonado o pinabayaan mismo ng kanilang pamilya para hindi mapariwara at magkaroon ng normal na buhay.
Vic Somintac