DSWD ,nagpaliwanag sa COA performance Audit report na 90 percent ng mga 4Ps beneficiaries ay hindi pa nakakaalpas sa pagiging mahirap
Iginagalang ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang Commission on Audit o COA performance audit report na 90 percent ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay nananatili paring mahirap.
Sinabi ni DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez na galing mismo sa kanilang ahensiya ang batayan ng COA report sa usapin ng 4Ps.
Ayon kay Assistant Secretary Lopez handa ang pamunuan ng DSWD na magpaliwanag sa Joint Congressional Oversight Committee upang lalong mapahusay ang impementasyon ng 4Ps.
Ginawa ng DSWD ang pahayag matapos maglabas ng report ang Commission on Audit o COA na nakakarami sa mga mahihirap na mamamayan na tumatanggap ng ayudang pinansiyal mula sa gobyerno sa ilalim ng 4Ps sa pamamagitan ng DSWD ay hindi parin nakakaalis sa pagiging dukha.
Batay sa performance audit report ng COA 3.8 milyon mula sa 4.2 milyon o 90 percent ng mga 4Ps beneficiaries ay nananatiling mahirap sa kabila na ang mga ito ay tinutulungan na ng pamahalaan sa loob ng 7 taon.
Niliwanag ni Assistant Secretary Lopez na patuloy parin ang ginagawang cleansing at revalidation ng dswd sa masterlist ng 4Ps beneficiaries.
Sa 1.3 milyon na naunang aalisin na sa masterlist ng 4ps matapos ang ginawang revalidation ay mananali sa listahan ang 700 thousand plus at ang 500 thousand plus naman ay graduating na sa 4Ps.
Vic Somintac