DSWD nakapagpalabas ng humigit-kumulang 8 milyong kahon ng Family Food Packs
Sa pagtatapos ng 2024, nakapagpalabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng humigit-kumulang 8 milyong kahon ng Family Food Packs (FFPs), para sa mga Pilipinong labis na naapektuhan ng sunod-sunod na mga kalamidad at bagyo sa bansa.
Sa buong kasaysayan ng DSWD, ito ang pinakamalaking tala ng FFPs na naipamigay bilang bahagi ng disaster response.
Nangako naman ang kagawaran, na lalo pa nilang pagbubutihin ang pagbibigay ng agarang tulong para sa mga Pilipinong nangangailangan ng maagap at mapagkalingang serbisyo.
Courtesy: DSWD FB
Samantala, record-breaking din sa kasaysayan ng DSWD, ang halos 10 milyong kahon ng Family Food Packs (FFPs) na na-produce sa National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City at Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Cebu ngayong 2024!
Kasama sa bilang na ito ang mga FFPs na naipamahagi ngayong taon at naka-stockpile sa mga warehouses ng DSWD sa buong bansa bilang paghahanda sa mga kalamidad sa papasok na taon.
Naging posible ang naitalang record ng DSWD sa FFPs dahil sa masigasig na pamumuno ni Secretary REX Gatchalian, kabilang ang lahat ng mga magigiting na volunteers na mula sa iba’t ibang lugar at sektor.