DSWD namahagi ng 100,000 food packs sa mga evacuation center sa Marawi
Mahigit sa 100,000 food packs ang pinamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa mga evacuation center sa Marawi City.
Ayon kay Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, may kabuuang 129,000 family food packs ang dinala sa iba’t ibang rehiyon sa Mindanao.
Sinabi ni Taguiwalo, bukod sa mga pagkain at kagamitan, nagpadala rin sila ng mga camp coordination at management.
Dagdag ni Taguiwalo, ang mga pamilyang walang pernamenteng tinutuluyan ay makakatangap ng cash assistance mula sa gobyerno.
Mahigit na 69,434 na pamilya o 339,822 na tao ang nawalan ng tirahan dahil sa nagpapatuloy nabakbakan sa Marawi.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo