DSWD Reg. 4a nakapamahagi na ng mahigit sa 11.18 milyong pisong halaga ng mga family food packs sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Calabarzon
Umaabot na sa mahigit 11.18 million pesos worth o kabuuang 33,700 family food packs ang naipamahagi na ng DSWD Calabarzon sa mga local government units na naapektuhan ng bagyong ulysses sa bansa.
Karamihan sa mga naipamigay na food packs ay inilaan ng ahensya sa mga pinaka-apektadong komunidad lalo na sa mga bayan sa Polillo group of islands sa Quezon at sa mga bayan ng San Mateo at Rodriguez Rizal.
Sa kasalukuyan, mayroon pang naka standby fund ang ahensya nanagkakahalaga ng PhP2.3M. worth of relief goods na mga food at non-food items.
Mayroon ring P21 million pesos na pondo ang DSWD Reg. 4a para sa pambili pa ng kinakailangang relief goods para sa mga apektadong pamilya ng nagdaang bagyo.
Jet Hilario