DTI, hinikayat na rebyuhin ang SRP ng mga pangunahing bilihin
Nanawagan sa Department of Trade and Industry (DTI) ang malalaking samahan ng Food Industry na repasuhin ang suggested retail price (SRP) ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay upang makatulong sa mga negosyo na makabangon at matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer.
Ayon sa Philippine Chamber of Food Manufacturers Inc. (PCFMI), hindi pa napapalitan ang SRP bulletin ng DTI mula noong Agosto.
Kabilang sa mga pangunahing bilihin ang canned at food products, bottled water, dairy, common household o kitchen supplies.
Ayon sa PCFMI, ang SRP ng ilang bilihin ay mababa pa sa ipinuhunan ng mga retailer gaya ng Supermarkets.