DTI, nagsuri sa presyo ng poultry products sa mga palengke, bentahan tumumal dahil sa bird flu
Sinuri ng Department of Trade and Industry ang presyo ng poultry products sa Farmers market at NEPA Q-Mart.
Sa pagsusuri ni DTI Usec. Teodoro Pascua, tumutumal ang bentahan ng poultry products na nagbunga ng pagbaba ng presyo nito.
Ang dating P140 hanggang P150 kada kilo ng manok ay nasa P130 hanggang P135 kada kilo na lamang ngayon.
Sinuri rin ng DTI ang presyo ng iba pang bilihin tulad ng isda at karne ng baka.
Samantala, wala namang nabago sa presyo ng ibang bilihin.
Hinikayat naman ng DTI ang mga consumer na tangkilikin pa rin ang poultry products na ibinebenta sa mga palengke.
Ulat ni: Lynn Shayne T. Fetizanan
Please follow and like us: