DTI nanawagan ng responsableng pagdiriwang ng Bagong Taon
Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamimimili na magdiwang nang ligtas at responsible sa pamamagitan ng pagbili ng certified na paputok.
Binigyang-diin ni DTI Secretary Cristina A. Roque ang kahalagahan ng pagbili ng certified na paputok upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang masayang selebrasyon.
Kaisa ang Bureau of Philippine Standards (BPS), naglabas ang DTI ng kumpletong listahan ng mga certified na paputok sa kanilang website, na magsisilbing gabay para sa mga mamimili upang matiyak na ang kanilang bibilhing paputok ay dumaan sa masusing pagsusuri at nakapasa sa mga itinakdang safety standards.
Ayon kay Secretary Roque, tungkulin ng DTI na protektahan ang mga mamimili at tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa.
Hinimok din niya ang publiko na i-check ang opisyal na listahan ng mga certified na paputok bago mamili.
Para sa mga reklamo o ulat ng paglabag, tumawag sa Consumer Care Hotline sa 1-DTI (1-384) o magpadala ng email sa [email protected] at [email protected].