DTI, pabor sa unti-unting pagbaba sa alert level 1
Suportado ng Department of Trade and Industry o DTI ang panawagan na i-downgrade ang quarantine status ng bansa sa alert level 1 para mas maraming negosyo at trabaho ang magbukas.
Sa harap ito ng pagbaba ng bilang ng mga bagong impeksyon sa COVID-19.
Sinadi ni DTI usec. Ruth Castelo na sakaling magshift sa alert level 1 ang bansa, dapat itong gawing dahan-dahan dahil mayroon pa rin banta ng COVID-19.
Ayon pa kay Castelo, humigit-kumulang 1.5 milyong mga negosyo sa bansa ang maaaring mag-operate ng may full capacity kung mas luluwagan ang quarantine restrictions at mas maraming manggagawa pa ang magbabalik sa trabaho.
Binigyang-diin din ni Castelo na anuman ang alert level status, mahalaga pa rin para sa establisimyento na magpakita ng safety seal cenrtification para mapatunayang sila ay sumusunod sa minimum public health standards.