DTI, sasagutin ang 13th month pay ng MSME workers

Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI, na nagpapatuloy ang programa nilang pautang sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), na maaaring pagkunan ng 13th month pay para sa mga empleyado.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, na maaaring gamitin ang loan sa pasahod at pagbibigay ng 13th month pay para sa MSME workers.

Samantala, inaasahang unti-unti nang makababawi ang MSMEs, ngayong ibinaba na sa alert level 3 ang status sa Metro Manila.

Ayon kay Lopez, iyon lang ang paraan para muling makapagbukas ang mga negosyo.

Aniya, may panahon na umabot sa 70-80 thousand ang nagsara sanhi ng pandemya.

Ngunit marami naman aniya sa mga ito ang lumipat sa mga negosyong puwedeng pagkakitaan ngayong pandemya.

Katunayan ayon sa Department of Interior and Local Government, lumitaw sa ulat ng mga local government unit o LGUs, na dumami pa ngayong taon ang nagparehistro ng kanilang negosyo.

Please follow and like us: