DTI target na mailunsad ang Agricultural Terminal
Target ng Department of Trade and Industry na mailunsad na ngayong buwan ang agricultural terminal na layong matulungan ang mga magsasaka at mapalakas ang kanilang kita.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, sinabi ni DTI Sec. Alfredo Pascual na unang itatayo ang nasabing agri terminal sa Nueva Vizcaya.
Layon aniya nitong masolusyunan ang price gap sa pagitan ng mga agri producers at consumers.
Makikipag-ugnayan rin aniya sila sa Philippine Competition Commission para malabanan ang mga mapagsamantalang negosyante.
Bagamat pareho ng konsepto ng Kadiwa ng Pangulo ang nasabing agri terminal ay pang wholesale naman aniya kumpara sa kadiwa na pang retail.
Mayroon ding inilunsad na digital app ang DTI na tinawag na PEP o Philippine Ecommerce Platform para naman sa mga micro small and medium enterprise para mapalawak ang kanilang merkado.
Madelyn Moratillo