Duque, Lorenzana naka-quarantine kasunod ng exposure sa COVID-19 cases
Kapwa naka-self quarantine sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Health Secretary Francisco Duque III, matapos ma-expose sa COVID-19 cases.
Ayon kay Lorenzana, na-expose siya sa apat sa mga kasama niya sa bahay na nagpositibo sa COVID-19.
Samantala, sinabi ni Duque na na-expose siya sa isang staff member na nagpositibo noong Biyernes.
Aniya . . . “So bukas po magpapa-test ako and hopefully, negative. I’ll be under quarantine unti the (January) 8th or 10 days in all.”
Si Lorenzana ay nagpositibo na rin sa COVID-19 noong Nobyembre at Abril ng nakalipas na taon.
Please follow and like us: