Duterte Legacy Campaign, makatutulong sa publiko sa pagpili ng susunod na Pangulo ng bansa sa 2022
Isa sa mga naging kontrobersyal na programa ng pamahalaan ay ang Duterte Legacy campaign na nakatakdang ilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, layon ng programa na maiparating sa publiko ang mga naging accomplishments ng Duterte administration sa nakalipas na tatlong taon.
Nakaugnay aniya ito sa inilunsad na Duterte-Nomics noong 2016 na puno ng mga pangako at plano ng administrasyon sa peace and order, ekonomiya at war on drugs ng pamahalaan.
Ngayon ang programang ito ay naglalaman na ng mga testimonya at mga pruweba na nakapaghatid na ng serbisyo sa publiko ang Duterte administration.
Mahalaga aniyang malaman ito ng publiko upang magsilbing inspirasyon at barometro ng ating mga kababayan para sa pagpili ng susunod na mamumuno sa bansa pagsapit ng 2022.
“We want to inform the people in the entire country, all in 81 provinces, at the same time to inspire them to rally behind the government. but not to rally behind these political parties, and other political ideologies kasi ito ay civic duty ng mamamayan na suportahan ang programa ng gobyerno para sa nation building”.