E cigarettes , isinalang na sa debate ng Senado
Isinalang na sa debate sa plenaryo ng Senado ang panukalang regulasyon sa E cigarettes.
Sa Senate Bill No. 2239 nais ng mga Senador na limitahan ang importasyon, manufacturing, pagbebenta at distribusyon ng mga vapor at heated tobacco products.
Ayon kay Senador Ralph Rector na nag-endorso sa plenaryo sa panukala, hindi maaring ibenta sa mga menor de edad ang mga vaporized nicotine products.
Ang retailers , inaatasang hanapan ng ID ang isang customer bago payagang bumili ng produkto kasama na sa pagbebenta online.
Inoobliga rin ang lahat ng magbebenta ng E cigarettes na magparehistro sa Department of trade and industry at Securities and exchange commission.
Bawal namang ibenta ang e-cigarettes sa mga tindahan na may isandaang metro ang layo sa mga eskwelahan, playground o anumang facility kung saan maraming menor de edad sa mga ospital, government offices, at facilities.
Meanne Corvera