Eastern city ng Hangzhou sa China, handa nang maging host ng pinakamalaking Asian games
Isang sinaunang, magandang lungsod sa katimugang dulo ng centuries-old Grand Canal, ang Hangzhou sa mga nakaraang taon ay naging kilala bilang lugar na pinagmulan ng Alibaba ni Jack Ma at ng sikat na sikat nitong shopping app na Taobao.
Maraming mga tech start-up ang nag-set up ng shop sa lungsod na may 12 milyong katao, kaya naihahambing ito sa Silicon Valley.
Sa mga gaganaping laro ay ipakikita ang ilan sa pinakabagong teknolohiya ng China, na kinabibilangan ng mga robot na aso, facial recognition at mga bus na walang driver.
Isang AI-powered digital assistant na ang pangalan ay Xiaomo, na nasa hugis ng isang “eleganteng babae,” ang magiging sign-language interpreter.
Ang Hangzhou ay 160 kilometro (100 milya), o isang oras ang layo mula sa Shanghai kung sakay ng isang bullet train.
Ang mga laro ay gaganapin sa mahigit 50 venues, na karamihan ay sa Hangzhou pero ang ilan ay sa ibang mga lungsod.
Ang centre piece ay isang napakalaking hugis bulaklak na stadium na kayang maglaman ng 60,000 manonood at siyang pagdarausan ng opening at closing ceremonies.
Inspired ng mga bulaklak ng lotus na namumukadkad sa popular na West Lake tuwing panahon ng tag-init, ang Hangzhou Olympic Sports Center ay natapos noong 2018 at sa maraming pagkakataon ay ginamit bilang football stadium mula noon..
Ang isang ka-lookalike na venue naman na malapit dito na tinawag na “Small Lotus,” ang pagdarausan ng tennis finals habang ang isang hugis paru-parong istraktura naman ay kapwa magiging venue para sa aquatics at indoor sports halls.
Ang malawak na Asian Games Village ang magiging tahanan ng halos 20,000 mga atleta, technical officials at mga mamamahayag sa isang mini city sa loob ng isang siyudad.
Nakatalatag ito sa mahigit 113 ektarya at mayroong mga tindahan, gyms at isang klinika, na mayroon ding dalawang bagong bukas na metro stations.
Dominado ng high-rise apartment blocks na gagawing nang residential pagkatapos ng mga laro, matatagpuan sa village ang isang 4,000-person-capacity dining hall na nagsi-serve ng Chinese at international cuisine
Ang 13th-century traveller na si Marco Polo ay nahumaling sa Hangzhou, kung saan tinawag niya itong “most beautiful and elegant city in the world”.
Noong 2013 inilunsad ng siyudad ang isang “modern-day Marco Polo” competition upang makahanap ng isang dayuhang manlalakbay para libutin ang lungsod at i-promote ito online, na may alok na suweldong 40,000-euro.
Bukod sa kaniyang mga templo at mga hardin, ang siyudad ay tahanan din ng Tianducheng housing estate na iwinangis sa Paris, na mayroon ding sarili nitong Eiffel Tower at Haussmann facades.