Eating Habits, may epekto sa kalusugan ng katawan at balat – Health expert
Maraming kaparaanan upang matamo ang kalusugan ng katawan at balat habang nagkakaedad kahit na nararanasan ang pandemya na dulot ng COVID- 19.
Ito ang binigyang diin nina Susan Bowerman, Nutrition Expert at Laura Chacon-Garbato, Skin Expert sa isinagawang media roundtable discussion na inorganisa ng isang kilalang Global Nutrition Company.
Sa nabanggit na talakayan, ipinaliwanag ni Bowerman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang magandang Eating Habits.
Sinabi niya na kasama sa pagkakaroon ng isang mainam at mabuting eating habits ay ang pagkain ng gulay at prutas na dapat simulan habang bata pa at maging sa pagtanda.
Ayon sa naturang Nutrition Expert, ang mga berde, dilaw at madadahong gulay ay sagana sa beta carotene na ito ay nagiging Vitamin sa katawan, habang ang sariwa at katamtamang luto ng mga berdeng madahong gulay sagana sa Vitamin C, Iron, Calcium, dietary Fiber, Folic Acid, Vitamin E at ilang Phytochemicals, na napatunayang may malaking maitutulong upang labanan ang kanser at iba pang uri ng sakit, bukod sa COVID- 19.
Samantala, para naman kay Garbato, bilang isang skin expert, napakahalaga na habang tumatanda ang isang tao ay kanyang pinangangalagaan ang kanyang balat, upang matamo ang tinatawag na healthy, radiant at glowing skin.
Binigyang diin niya na ang Estrogen at Collagen ay may napakahalagang role na ginagampanan upang matamo ang healthy skin, lalong lalo na sa nagkakaedad na.
Payo pa nina Bowerman at Garbato, napakahalaga na maging consistent sa anumang ginagawa sa pagpapanatiling malusog ng katawan, upang matamo ang hinahangad na Healthy and Beauty –Inside and Out.
Belle Surara