Ebalwasyon sa J&J Covid vaccine booster, sinimulan na ng EU

Photo:AFP

Sinisimulan nang suriin ng drug watchdog ng European Union (EU), ang application ng Johnson & Johnson (J&J) para sa kanilang Covid vaccine booster shot, na para sa mga nasa edad 18 pataas.

Sa sandaling maaprubahan, ang booster ang magiging ikatlo na sa inaprubahan ng EU para sa adults na ibibigay nang hindi bababa sa dalawang buwan makalipas ang unang single-shot dose.

Ayon sa European Medicines Agency o EMA. . . “EMA’s human medicines committee (CHMP) will carry out an accelerated assessment of data submitted by the company that markets the vaccine, and the outcome was expected within weeks.”

Kasama sa datos na i-a-assess ng Amsterdam-based EMA, ang mga resulta ng higit 14,000 adults na nakatanggap ng second dose ng Covid-19 Vaccine na Janssen o isang placebo.

Ang dalawang iba pang booster na gawa ng Pfizer/Biontech at Moderna ay naaprubahan na ng EU. (AFP)

Please follow and like us: