Ebola cases sa Congo, sumampa na sa 78
Umabot sa 78 ang kaso ng Ebola sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa World Health Organization o WHO, ang mga kaso ay mula sa mga probinsiya ng North Kivu at Ituri.
Nauna nang isinailalim sa outbreak ang nasabing mga probinsya.
Kinumpirma rin ng who na 10 healthcare workers ang nahawa ng nasabing sakit dahil sa pagkaka-expose.
Dahil dito, mas pinalakas pa ng WHO ang kanilang mga programa para sa awareness ng Ebola sa mga healthcare at frontline workers at mapalakas rin ang infection prevention at control measures.
Ito na ang ika-sampung outbreak sa Congo kung saan ang virus ay naging endemic.
Ang mga apektadong probinsiya ay kabahagi ng border ng Uganda at Rwanda na populated.
=============