Ebola trial vaccines, dadalhin sa Uganda: WHO
Sinabi ng World Health Organization (WHO), na tatlong Three candidate vaccines laban sa strain ng Ebola na nananalasa ngayon sa Uganda, ang dadalhin sa nabanggit na East African country sa susunod na linggo para subukin.
Simula nang ideklara ng Uganda ang Ebola outbreak noong September 20, kumalat na sa magkabilang panig ng bansa ang mga kaso, maging sa Kampala na kapitolyo nito, at ikinasawi na ng 55 katao, at 22 iba pa ang pinaniniwalaang namatay na rin.
Nahihirapan ang Uganda na pigilan ang outbreak na dulot ng Sudan strain ng virus, na sa ngayon ay walang pang bakuna.
Subalit sinabi ni United Nations (UN) health agency chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, na magsisimula na sa lalong madaling panahon ang vaccine trials.
Sa kaniyang pagsasalita sa G20 summit sa Indonesia, sinabi niya na isinailalim na sa ebalwasyon ng isang komite ng external experts ng WHO ang candidate vaccines, na inirekomendang dapat maisamang lahat ang tatlong nabanggit sa planong trial sa Uganda.
Tinanggap kapwa ng WHO at ng Ugandan health ministry ang rekomendasyon ng komite at sinabi na inaasahan nilang darating sa susunod na linggo ang unang doses ng bakuna.
Binigyang-diin ni Tedros, “Since the outbreak began, the government of Uganda, together with researchers, funders, companies, regulatory authorities and other experts has been working under a global effort coordinated by WHO to accelerate the development and deployment of vaccines for use in trials.”
Sinabi ng WHO, na kabilang sa candidate ang isang bakuna na ginawa ng Oxford University at ng Jenner Institute sa Britain, at ang isa naman ay mula sa Sabin Vaccine Institute sa Estados Unidos. Ang ikatlong kandidato ay mula sa International AIDS Vaccine Initiative (IAVI).
Gagamitin ang mga ito sa tinatawag na “ring vaccination trial,” kung saan lahat ng contacts ng confirmed Ebola patients, at contacts ng contacts ay babakunahan kasama ng frontline at health workers.
Sinabi ni Ana Maria Henao Restrepo, isa sa pinuno ng research and development ng WHO, “We have received written confirmation from the developers that sufficient vaccines and sufficient number of doses will be available for the clinical trial, and beyond if necessary.”
Samantala, may pag-aalala na ang prosesong ginagawa upang mapabagal ang pagkalat ng Ebola kahit na walang bakuna, ay maaaring makapagpagulo sa nakaplanong trials.
Ang naturang trials ay maaari lamang isagawa kapag mayroong mabilis na transmission ng Ebola, na isang hemorrhagic fever na kumakalat sa pamamagitan ng close contact sa bodily fluids at kadalasang nakamamatay.
Ayon kay Henao Restrepo, “We have uncertainty… about the evolution of the outbreak. It remained unclear how many rings can be formed as part of the trial. But all those involved were committed to pushing ahead with randomized trials in a bid to ‘generate robust evidence’ that will allow us to know if one or more of them has the efficacy we hope they have.”
Bilang karagdagan sa candidate vaccines, sinabi ng WHO na isang bukod na grupo ng mga eksperto ang pumili ng dalawang investigational therapeutics para sa isang trial, ngunit kakailanganin pa nito ang ‘go signal’ mula sa WHO at Ugandan authorities.
© Agence France-Presse