Economic policy ng Marcos Gov’t nakatulong sa pagbaba ng unemployment rate
Pinuri ng Trabaho Partylist ang umiiral na economic policy ng Marcos Administration na malaki ang naitulong para makamit ang “all-time low” unemployment rate.
Sa report ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 3.1% ang unemployment rate sa bansa nitong Hunyo.
Pinuri rin nila maging ang magandang direksyon ekonomiya matapos makamit ang ikalawang pinakamataas na GDP growth o Gross Domestic Product Growth ng bansa.
Ayon kay Atty. Filemon Javier, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, patunay lang ito na tama ang tinatahak na polisya ng Marcos Government.
Patunay rin aniya ang 96.9% employment rate sa bansa batay na rin sa ulat ng Philippine Statistics Authority.
Para sa Trabaho Partylist, ayon kay Javier mahalaga ang “Build Better More” infrastructure program ng gobyerno.
Nakita aniya ito matapos madagdagan ng halos isang milyong trabaho sa bansa kumpara noong nakaraang taon partikular sa construction sector.
Madelyn Moratillo