Ed Sheeran, bumili ng minority stake sa kaniyang hometown club na Ipswich
Tinupad ng mang-aawit na si Ed Sheeran ang “pangarap ng sinumang tagahanga ng football,” at bumili ng minority stake sa kaniyang hometown club, ang bagong na-promote na Premier League side na Ipswich Town.
Sinabi ng Ipswich sa isang pahayag, na ang kabuuang stake ni Sheeran sa club ay 1.4 porsyento at hindi siya sasali sa kanilang board.
Ngunit ang artist, na madalas na dumalo sa mga home matches ng Ipswich, ay magkakaroon ng executive box sa Portman Road Stadium.
Sa kaniyang post sa Instagram ay sinabi ng 33-anyos na si Sheeran, “Really excited to announce that I have bought a small percentage of my hometown football club Ipswich Town. It’s any football fan’s dream to be an owner in the club they support and I feel so grateful for the opportunity.”
Dagdag pa niya, “I’ve lived in Suffolk since I was three, and although I have travelled the world and sometimes feel like an outsider in big cities, Suffolk and Ipswich have always made me feel part of a community and protected. It’s such a joy to be a fan of Ipswich Town.”
Ang Ipswich, na nakakuha ng awtomatikong promosyon pagkatapos na pumangalawa sa English Championship noong nakaraang season, ay sinimulan ang kanilang kampanya sa Premier League sa kanilang hometown laban sa Liverpool noong Sabado.