Edsa People power revolution, dapat gamitin upang pagbigkisin ang mga Filipino hindi para pag-awayan
Dapat pa ring gunitain ang Edsa People Power Revolution na nangyari noong February 25,1986.
Ayon kay FEU Professor at Historian Joey Lopez, ito ay bahagi na ng kasaysayan ng Pilipinas at bumubuo sa pagkakakilanlan ng bawat Filipino.
Paliwanag ni Prof. Lopez, ang Edsa revolution ay hindi para lamang sa iisang tao, hindi sa mga Aquino at hindi sa ilang grupo kundi kumakatawan ito sa pagkakaisa ng taumbayan.
Hindi dapat aniya pinag-aawayan ang paggunita sa araw na ito kundi dapat gamitin upang pagbigkisin ang mga Filipino.
“Collectively, tayo ang kumilos lang at after 33 years, hindi natin pwede itong iwanan sa iisang tao, tatlo or lima, o sinuman ang nakinabang dito. Masakit mang isipin na kung sino ang nakaupo, umiiba ang timpla. at ang nagsa-suffer nito ay taumbayan eh hindi na dapat sana pag-awayan yan eh. Dapat umusbong na tayo bilang isang bansa, bilang isang lahing Filipino”.- Prof. Joey Lopez
================