Egypt nagbukas ng higit pang mga gallery para sa pinakahihintay na antiquities museum
Binuksan ng Egypt sa publiko ang isang serye ng mga gallery sa bago nilang museum, ngunit hindi pa isinasagawa ang unveiling ng “glittering King Tutankhamun collections” at mga solar boat na inilibing sa Pyramid of Khufu, habang nakapending pa ang matagal nang naudlot na grand inauguration.
Mahigit 20 taon nang under construction, ang Grand Egyptian Museum (GEM) na katabi ng pyramids of Giza ay unang itinakdang buksan noong 2012, ngunit ang launching ay paulit-ulit na naurong dahil sa gugol sa overruns at kaguluhan sa pulitika.
Tourists walk in front of Pharaonic statues displayed at the Grand Staircase of the Grand Egyptian Museum during a partial trial in Giza, Egypt, October 15, 2024. REUTERS/Mohamed Abd El Ghany
Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ni Prime Minister Mostafa Madbouly ang isang “trial opening” bago ang isang pormal na pagpapasinaya.
Sinabi ng Egyptian officials, na maraming world leaders ang nagpahayag ng interes na daluhan ang opisyal na pagbubukas ngunit hindi binanggit kung kailan ito gaganapin.
A tourist sits beside Pharaonic statues displayed at the Grand Staircase of the Grand Egyptian Museum during a partial trial in Giza, Egypt, October 15, 2024. REUTERS/Mohamed Abd El Ghan
Ang main entrance hall ng museum na ang hagdan ay napapalamutian ng Pharaonic statues, at isang annex para sa commercial shopping ay binuksan sa publiko noong February 2023.
Si Ali Abu Al Shish, isang miyembro ng Egyptian Archaeologists Union na dumalo sa pagbubukas ng halos isang dosenang galleries nitong Martes, ay nagsabing ang trial operation ng malawak na museum ay ebidensiya na ang Egypt ay mayroon na ngayong espasyo para sa exhibit ng kaniyang antiquities, kabilang yaong mga ibinalik ng Western states at museums.
Pharaonic statues are displayed at the Grand Staircase of the Grand Egyptian Museum during a partial trial in Giza, Egypt, October 15, 2024. REUTERS/Mohamed Abd El Ghany
Aniya, “It’s an ‘important message’ that we can recover our antiquities, which are spread across various countries in the world.”
Pahayag naman ng bumibisitang Russian tourist na si Kseniia Muse, “We are so happy to be here, to have visited these beautiful sculptures. It is very modern and at the same time you can touch the ancient.”
Pharaonic statues are displayed at the Grand Staircase of the Grand Egyptian Museum during a partial trial in Giza, Egypt, October 15, 2024. REUTERS/Mohamed Abd El Ghany
Ang turismo ay isang mahalagang pinagmumulan ng foreign currency revenue para sa Egypt. Sinisikap ng gobyerno na mapataas ang bilang ng mga turista matapos na maharap sa napakatagal na kakulangan ng foreign currency, na pinalala pa ng external shocks.
Hanggang ngayon, ang itinuturing na ‘most famous’ collections ng Egypt ay nasa Egyptian Museum sa Tahrir Square sa Cairo, na matagal nang hindi nire-renovate at hindi isinasailalim sa modernisasyon mula pa noong 1902.