EJ Obiena nakabalik na sa bansa, Caloy Yulo kuwalipikado na sa Paris Olympics
Nakauwi na sa Pilipinas ang Asia’s king of pole vault na si Ernest John “EJ” Obiena, kasama ang gintong medalyang kaniyang napanalunan matapos ang isang record-breaking performance nitong Sabado, sa 19th Asian Games.
Kasama sa mga sumalubong kay Obiena ay si Phil. Sports Commission (PSC) Commissioner Bong Coo, upang bigyan siya ng isang honorary welcome.
Ayon sa PSC, saludo sila sa kahusayan ni EJ, at sabik ding hinihintay ang paglahok nito sa 2024 Paris Olympics.
Photo courtesy of Philippine Olympic Committee FB
Samantala, qualified na para sa 2024 Paris Olympics ang Pinoy gymnast na si Carlos “Caloy” Yulo.
Nakuha ni Yulo ang kuwalipikasyon sa Olympics sa pamamagitan ng isang maningning na performance sa 2023 World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belgium.
Ipinagmamalaki niya na kabilang na siya ngayon sa elite rank ng mga atletang pilipino na kuwalipikado nang lumahok sa Paris, kasama ang number 2 pole vaulter sa mundo, na si EJ Obiena.
PSC/POC