Ekonomiya, lumago sa 1st quarter ng 2022
Lumago ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taon.
Ayon kay Neda Director General Secretary Karl Kendrick Chua, lumago ang ekonomiya ng 8.3 percent mas mataas kumpara sa 7.8 percent na naitala sa huling quarter ng 2021.
Lagpas pa ito sa pagtaya ng mga ekonomista na 6.7 percent.
Dulot ito ng pagbubukas ng mas maraming negosyo dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Mabilis aniyang nakarekober ang ekonomiya nang ilagay sa Alert level 1 ang Metro manila.
Nakatulong sa paglago ng ekonomiya ang remittances na umabot sa 2.8 billion dollars noong Pebrero at paglago ng manufacturing sector.
Ang Pilipinas aniya ngayon ay isa sa mga may fastest growing economy.
Inaasahan na lalo pang bibilis ang ekonomiya ngayong second quarter dahil sa paggastos ng mga kandidato sa katatapos na eleksyon at paglakas ng public spending.
Inirekomenda naman ng NEDA ang tuluyang pagbubukas ng mga eskwelahan o face to face classes.
Malaki na raw kasi ang impact sa future productivity ng mga kabataan kaya dapat na silang payagang lumabas at magkaroon ng catch up plan para sa nakalipas na dalawang taon.
Meanne Corvera