Ekonomiya ng bansa makababangon pa rin kahit buwagin ang mga POGO
Makarerekober pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas kahit tuluyang i ban ang operasyon ng POGO sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Department of Finance sa mga Senador kaugnay ng ginagawang imbestigasyon sa isyu ng pakinabang ng Pilipinas sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators.
Katunayan sinabi ni Finance undersecretary Bayani Agabin na mas malaki ang mawawala sa kaban ng bayan kapag pinayagan pa ng gobyerno ang POGO operations.
Sa tala aabot sa P 34.67 billion ang kinita ng gobyerno sa POGO operations nitong 2021.
Pero kung magpapatuloy ang babala ng Chinese government sa mga mamamayan nito na huwag pumunta sa Pilipinas, aabot sa mahigit P 140 billion ang mawawalang kita sa tourists arrivals pa lamang .
Kung pagbabasehan ang pre pandemic Chinese tourist arrivals noong 2019, umabot na ito ng mahigit 1.7 million o kabuuang 21 percent ng total tourism spending ng Pilipinas.
Meanne Corvera