Ekonomiya ng Pilipinas, lumago – ayon sa PSA
Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong huling quarter ng 2019.
Batay sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo sa 6.2 percent ang Economic growth mula Hunyo hanggang Oktubre.
Mas mataas ito kumpara sa 5.5 percent sa second quarter ng 2019 at 6 percent noong third qurter ng 2018.
Sabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Socio Economic secretary Ernesto Pernia.
Nakatulong umano sa paglago ng ekonomiya ang paglago ng agrikuktura at iba pang sektor.
Una nang sinisi ng NEDA sa paggamit ng re-enacted budget sa unang dalawang buwan ng taon kaya bumagal ang takbo ng ekonomiya.
Ulat ni Meanne Corvera