Ekonomiya ng Pilipinas tumaas sa huling quarter ng 2016
Tumaas ng one point two percent o katumbas ng one billion US dollars ang ekonomiya ng bansa sa huling quarter ng 2016.
Sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo na bunsod ito ng paglakas ng foreign direct investment o pagpasok ng mga dayuhang negosyante sa Pilipinas.
Patuloy aniya ang ginagawang expansion ng mga mamumuhunan lalo na sa business process outsourcing o BPO industry kung saan nakapagtala ng 4.6 billion dollars.
Nakarekober na rin aniya ang export industry na tumaas ng halos six percent.
Malaking porsyento rin ang ambag ng remittances ng mga Overseas Filipino Worker na umaabot sa 22 percent.
Noong Enero ngayong 2017, pumalo na sa 8 percent ang kontribusyon ng remiitances.
Ayon sa BSP, nakatulong sa pagpapangat ng negosyo ang kumpiyansa ng mga negosyante dahil sa kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.
Ulat ni : Mean Corvera