Ekonomiya ng Russia maganda pa rin kaysa inaasahan sa kabila ng sanctions – IMF
Sa kabila ng mga nakapipinsalang Western sanctions na ipinataw sa Moscow pagkatapos ng pagsalakay nito sa Ukraine, lumilitaw na maganda pa rin ang takbo ng ekonomiya ng Russia kaysa inaasahan dahil nakikinabang ito mula sa mataas na presyo ng enerhiya.
Ang sanctions ay sinadya upang ihiwalay ang Russia mula sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, at masira ang mga pondong magagamit ng Moscow upang tustusan ang digmaan.
Ngunit sa pinakabagong World Economic Outlook report ng IMF ay in-upgrade pa nito ang GDP estimate ng Russia para ngayong 2022 sa kapansin-pansin na 2.5 percentage points, bagama’t inaasahan na ang ekonomiya nito ay uurong ng anim na porsiyento.
Ayon kay IMF chief economist Pierre-Olivier Gourinchas . . . “That’s still a fairly sizable recession in Russia in 2022. A key reason that the downturn was not as bad as expected was that ‘the Russian central bank and the Russian policymakers have been able to stave off a banking panic or financial meltdown’ when the sanctions were first imposed.’ Meanwhile, rising energy prices are ‘providing an enormous amount of revenues’ to the Russian economy.”
Matapos simulan ang taon na mas mababa sa $80 bawat bariles, ang mga presyo ng langis ay tumaas sa halos $129 noong Marso bago bumaba muli ng wala pang $105 noong Martes para sa Brent, ang pangunahing European benchmark, habang ang mga presyo ng natural na gas ay tumataas muli at papalapit na sa naging peak nito kamakailan.
Habang ang mga pangunahing ekonomiya kabilang ang Estados Unidos at China ay bumagal, nakasaad sa ulat na ang “ekonomiya ng Russia ay tinatayang bahagya lamang umurong sa ikalawang quarter kaysa unang pagtaya, kung saan naging maganda kaysa inaasahan ang crude oil at non-energy exports.”
Sa kabila rin ng sanctions, ang domestic demand ng Russia ay nagpapakita rin ng katatagan dahil naman sa suporta ng gobyerno.
Gayunman, sinabi ni Gourinchas . . . “There is ‘no rebound’ ahead for Russia. In fact, the IMF is ‘revising down the Russian growth in 2023,’ 1.2 points lower than the April forecast for a contraction of 3.5 percent. The penalties already in place, as well as new ones announced by Europe, mean ‘the cumulative effect of the sanctions is also growing’ over time.”
Ipinahihiwatig din sa ulat, na ang Europa ay nahaharap sa matinding epekto ng sanctions dahil umaasa ito sa Russia para sa kaniyang enerhiya. Maaaring lumala nang husto ang sitwasyon kung puputulin ng Moscow ang pag-export ng gas, at sa sandaling ipagbawal na ng European Union simula sa susunod na taon ang Russian oil na idinaraan sa dagat ang pagde-deliver.
© Agence France-Presse