El deposito at murals sa pinaglabanan shrine sa San juan binuksan na sa publiko
Binuksan na sa publiko ang El deposito water reservoir sa Pinaglabanan shrine sa San juan.
Sina Pangulong Duterte at San juan Mayor Francis Zamora ang nanguna sa pagpapasinaya ng El deposito kasama ang iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Ang El deposito ay makasaysayang imbakan ng tubig na sinalakay noon ng mga katipunero na pinangunahan ni Gat Andres Bonifacio nang manakop ang mga kastila.
Courtesy Senator Bong Go
Binuksan rin ang murals ng ” Ang katipunan at Pinaglabanan ” na magbibigay daan sa mga Pilipino para mas makilala ang kasaysayan sa panahon ng himagsikan.
Makikita rin doon ang iba’t – ibang uri ng artifacts collection na nagpakita sa kasaysayan ng dating reservoir.
Kasama na rito ang pagsalakay ng mga katipunero sa tinaguriang battle of San juan del monte noong August 13,1896 na siyang naging hudyat sa paghihimagsik ng mga pilipino laban sa mga kastila.
Ang El deposito ang pinagkukunan ng tubig noon ng Maynila at mga kalapit lugar at naging imbakan ng armas sa panahon ng pananakop ng mga amerikano at hapon.
Ito rin ang nagsilbing ospital para sa mga pasyenteng may tuberculosis.
Meanne Corvera