El Niño Alert, itinaas ng PAGASA

Itinaas na ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Agency (DOST-PAGASA) ang El Niño Alert sa bansa.

Bunsod ito ng pagtaas sa 80% ng tsansa na maranasan ang El Niño sa bansa sa mga susunod na buwan.

“PAGASA has been continuously monitoring the developing El Niño conditions in the tropical Pacific. Recent conditions and model forecasts indicate that El Niño may emerge in the coming season (June-July-August) at 80% probability and may persist until the first quarter of 2024,” ayon sa statement na inilabas ng DOST-PAGASA

Sinabi ng state weather bureau na posibleng magsimula ang El Niño sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo Agosto at maaaring magtagal hanggang sa unang quarter ng 2024.

Isa sa mga negatibong epekto ng weather phenomenon ang dry spell o tagtuyot sa ilang lugar dahil mababa kaysa sa normal na tubig-ulan.

Bilang paghahanda sa El Niño, bubuo ang gobyerno ng bagong El Niño Team task forces alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bubuuin ang task force ng Department of Interior and Local Government (DILG), Office of the Civil Defense (OCD) at iba pang mga ahensya at kagawaran.

“May existing contingency plan para sa El Niño ito ay nabuo 2019 nadeactivate ang utos ng Pangulo ay bumuo ng bagong team at tingnan ulit plano ginagawa at aksyon nagawa na at tutukan bagong activities na kailangan gawin para maaddress ang baging El niño kinakaharap natin,” ayon kay DILG Director Allan Tabel.

Una nang sinabi ng PAGASA na ang Mindanao ang inaasahang pinakamaaapektuhan o mababawasan ng tubig-ulan kapag may El Niño na mahigit 35%.

“Historically, iba-iba ang kabawasan sa tubig-ulan, around 12 ang nanawala sa Luzon area, around 21% sa Visayas, mas malaki o more than 35% ang nawawalang tubig-ulan o kabawasan sa Mindanao area… Mas malaking nawala sa Mindanao mas apektado sila, sila po usually malamang ang maaapektuhan,” paliwanag ni Ana Liza Solis, Climate Monitoring and Prediction Section head ng PAGASA.

Ipinaliwanag ng PAGASA na dahil ito sa mababa talaga ang normal na rainfall sa Mindanao at mas mababawasan ito kapag may El Niño phenomenon.

“Iba-iba ang epekto ng El Niño based sa mga pangyayari kung saan mas highly vulnerable ang mga area sa Visayas at Mindanao. Ito yung medyo dry season evenly distributed ang ulan ibig sabihin usual nilang ulan mas mababawasan pa,” dagdag na pahayag ni Solis.

Visayas at Cebu naman ang pinaka-apektado ng El Niño sa bahagi ng Visayas.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *