El Niño Phenomenon, opisyal nang idineklara ng PAGASA
Nagsimula na ang El Niño Phenomenon sa central equatorial sa Pacific Region.
Ito ay kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA).
Sinabi ni PAGASA Officer-In- Charge Esperanza Cayanan na hinog na ang El Niño Phenomenon dahil sa presensiya ng mga elementong bumubuo sa El Niño advisory batay sa deklarasyon ng World Meteorological Organization.
Ayon kay Cayanan, unti-unti nang mararamdaman sa bansa ang epekto ng El Niño Phenomenon dahil nalagpasan na ang El Niño watch at El Niño alert.
Inihayag ni Cayanan na bagama’t nagsimula na ang El Niño Phenomenon sa dagat pasipiko, mararamdaman ang matinding epekto ng tagtuyot sa bansa sa huling quarter ng taong kasalukuyan hanggang sa second quarter ng susunod na taon dahil mula ngayong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre ay magkakaroon pa ng malalakas na pag-ulan dulot ng habagat at mga bagyo na papasok sa bansa.
Batay sa pagtaya ng PAGASA, nasa 10 hanggang 14 na bagyo pa ang papasok sa bansa.
Vic Somintac