El Salvador, niyanig ng magnitude-6.0 na lindol
Isang 6.0-magnitude na lindol ang tumama sa El Salvador, ngunit wala pang inisyal na ulat ng casualties o pinsala.
Ayon sa environment ministry, ang pagyanig ay nairehistro ng alas-10:26 ng gabi ng Huwebes local time (0426 GMT Friday), na ang sentro ay natunton 37 kilometro (22 milya) sa timugang baybayin ng bansa, malapit sa bayan ng Mizata sa La Libertad region.
Sinabi ni President Nayib Bukele, na wala namang ulat mula sa armed forces o pulisya tungkol sa pinsala.
Aniya, “Nothing new on the coast. No damage to main highways. It seems the earthquake dis not cause any damage. Thank God.”
Ang lindol ay naramdaman din sa katabing Guatemala, ayon sa kanilang National Coordinator for Disaster Reduction, na nag-ulat na wala namang mga taong naapektuhan at wala ring napinsala.
Ang pagyanig ay naramdaman sa hindi bababa sa 14 na lugar ng El Salvador, batay sa reports sa social media, ngunit ayon sa environment ministry mas “ramdam” ito sa coastal areas.
Sa San Salvador na kapitolyo ng bansa, ang lindol ay ikina-alarma ng mga tao na naglabasan mula sa kanilang tahanan ayon sa ulat ng local press.
Sinabi ni Salvadoran Interior Minister Juan Carlos Bidegain, “While there were no immediate reports of damage or injuries, the whole territory continues to be monitored.”
Ayon naman sa gobyerno, “All the institutions of the system are active to address any emergencies resulting from the earthquake.”
Sinabi rin ng environment ministry, na hindi bababa sa anim na aftershocks ang naitala kasunod ng unang pagyanig, na ang sentro ay nasa kapareho ring lugar.
Ayon kay Environment Minister Fernando Lopez, “The strongest aftershock has been with a magnitude-3.8, so we call the population to be attentive.”
Isinantabi naman ni Lopez ang posibilidad ng isang tsunami alert para sa coastal areas ng El Salvador pagkatapos ng lindol, subalit nagbabala na marami pang aftershocks ang maaaring maranasan.
© Agence France-Presse