Embahada ng Pilipinas inaalam na ang kalagayan ng mga Pinoy sa Solomon Islands matapos ang magnitude 7.3 na lindol doon
Tiniyak ng Philippine Embassy in Port Moresby na patuloy nitong binabantayan ang sitwasyon sa Solomon Islanda kasunod ng 7.3 magnitude na lindol.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang 566 Pilipino ang nasa Solomon Islands.
Karamihan sa mga Pinoy ay professionals na nagtatrabaho sa mga opisina at construction.
Batay kay Myrtle Atienza, Presidente ng Filipino Association in the Solomon Islands ay walang immediate reports ng mga nasawi dahil sa lindol.
Nagdulot naman ang malakas na pagyanig ng pinsala sa mga lumang gusali gaya ng Honiara International Airport.
Moira Encina
Please follow and like us: