Embahada ng Pilipinas sa Korea, nagpaaabot ng pakikidalamhati sa nangyaring trahedya sa Itaewon, Seoul
Lubhang ikinalungkot ng Embahada ng Pilipinas sa Korea ang nangyaring stampede sa Itaewon sa Seoul, South Korea noong Sabado, Oktubre 29.
Batay sa pinakahuling ulat, nasa 150 ang nasawi sa crowd surge sa lugar.
Sa Itaewon matatagpuan ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul.
Ayon sa Philippine Embassy, nakikiisa at nakikiramay ang Pilipinas sa South Korea sa malagim na pangyayari.
Nagpasalamat naman ang embahada sa mga otoridad sa Seoul sa pagtulong para malaman ang kalagayan ng mga Pilipino na maaaring naapektuhan sa insidente.
Wala namang Pinoy na nadamay sa trahedya.
Moira Encina
Please follow and like us: