Embiid dominante, Sixers pinalawig ang kanilang winning streaks sa seven games
Napanatili ni Joel Embiid ang kanyang dominanteng scoring streak, habang pinahaba naman ng Philadelphia 76ers ang kanilang winning streak sa pitong laro sa pamamagitan ng 121-82 pagdaig sa Charlotte Hornets.
Si Embiid, isa sa mga front-runner para sa NBA’s Most Valuable Player award, ay gumawa ng isa pang 38 puntos sa isang one-sided road victory.
Ang Sixers star ay may average na 35 puntos sa isang laro noong Marso, at hindi umiskor ng bababa sa 31 sa walong laro ngayong buwan.
Ang pinakahuling tally ni Embiid ay 16-of-21 shooting, na may 13 rebounds at limang assists.
Ayon kay Embiid, “Home or road, it doesn’t matter. “We know what it takes offensively and defensively, everybody doing their job… tonight we did it as a team.”
Si James Harden ay nagkaroon ng isang pambihirang ‘off-night’ na may 11 puntos lamang matapos mag-shoot ng 4-of-15 mula sa field, ngunit ang Sixers ay mayroon pa ring napakaraming firepower at depensa para sa koponan ng Charlotte, na second to the last sa Eastern Conference.
Samantala, nag-ambag pa si Tobias Harris ng 18 points at si Tyrese Maxey ng 13 points.
Sa kabila naman ng one-sided nature ng panalo, natuwa ang coach ng Sixers na si Doc Rivers sa performance ng kaniyang team, at namamalaging malusog ang mga ito kaya’t nakasisipot para maglaro.
Aniya, “It’s just good to get the game over with and be healthy. It just shows that we are focused, and we are showing up and playing. There is no guarantee each night how you’re going to play, but there is a guarantee how you can show up — and we’re showing up every night.”
Umangat ang Philadelphia sa 47-22 dahil sa naturang panalo, at pangatlo na sa Eastern Conference, kasunod ng mga nangungunang Milwaukee (50-20) at Boston (49-22).
© Agence France-Presse