Embiid nangibabaw, Sixers nakabawi tinalo ang Bulls
Dinagdagan pa ni Joel Embiid ang kaniyang MVP credentials sa pamamagitan ng 43-points, habang bumawi naman ang Philadelphia 76ers sa pamamagitan ng 121-106 panalo kontra Chicago Bulls nitong Lunes (Martes sa Maynila).
Ang big man ng Sixers na si Embiid ay mayroon ding 14 rebounds at dalawang assists.
Iyon ang ika-10 ulit ngayong season na si Embiid ay nagposte ng 40 points o higit pa, at maging 10 o higit pang rebounds sa isang single game.
Sumigla ang Sixers sa pagbabalik ni James Harden, na nagpahinga matapos matalo noong Sabado sa Eastern Conference leaders na Miami Heat.
Ang pagbabalik ni Harden sa starting line-up ay nagbigay kay Embiid ng oras at espasyo para gawin ang kaniyang “magic” matapos siyang mapigilan ng depensa ng Miami noong Sabado.
Ayon kay Sixers coach Doc Rivers . . . “He (Embid) just got it in rhythm. We didn’t force it. We got him in the right spots. Joel one-on-one is very difficult. He’s healthy, he’s running the floor, he’s beating people down the floor.”
Natapos naman si Harden na may 16 points at 14 assists, habang ang rising star na si Tyrese Maxey ay nagdagdag ng 17 points — 13 rito ay sa fourth quarter.
May 14 points naman si Georges Niang, 12 rito ay mula sa three-point range, kabilang ang dalawang huli sa fourth quarter.
Dahil sa panalo, nag-improve ang Sixers sa 40-24, ikalawa sa Eastern Conference standings.
Gayunman, naniniwala si Rivers na mayroon pang ihuhusay ang koponan.
Aniya . . . “We won the game, but I can’t say we played great tonight. We know that. We’ve got to play better. We were sloppy at times on offense, stagnant. We have to figure that out and we will. We’re a team that is progressing all the time, getting better, but we’re not there yet.”
Nalaglag naman ang Bulls sa 39-26 at natalo ng limang straight games.
Si Zach LaVine ang nanguna sa Chicago na bumuslo ng 26 points, na dinagdagan naman ni DeMar DeRozan ng 23.