Emergency aid sa Haiti na nagkakahalaga ng $105 milyon, aprubado na ng IMF
Inaprubahan na ng International Monetary Fund (IMF), ang emergency aid na nagkakahalaga ng $105 million para sa Haiti, na matagal nang dumaranas ng humanitarian crisis na lalo pang pinalala ng global inflation kamakailan.
Sinabi ng IMF deputy managing director na si Antoinette Sayeh, na ang pondo ay magagamit ng bansa upang “suportahan ang pinaka naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain, sa pamamagitan ng feeding programs at cash at in-kind transfers sa vulnerable households.”
Ang pondo ay ipinalabas sa pamamagitan ng “Food Shock Window” ng IMF, na binuksan sa pagtatapos ng Setyembre para sa loob ng isang taon.
Ito ay ginagamit upang mabilis na ma-access ng mga estadong nahaharap sa kawalan ng seguridad ang emergency funds, partikular na sa panahon ng hindi inaasahang importasyon ng mga butil o biglaang pagtaas ng mga presyo.
Ayon sa IMF, “With more than half the population already below the poverty line, Haiti faces a dire humanitarian crisis,” at binanggit na ang Haiti ay nahaharap din sa isang “health crisis” dahil sa cholera epidemic at “serious security problems,”
Sinabi ni Sayeh, “Haiti is facing a dire humanitarian crisis and was hit hard by the economic spillovers from Russia’s invasion of Ukraine.”
© Agence France-Presse