Emmys muling nagningning dahil balik “in person” na ang naturang Hollywood awards
Pinarangalan ng telebisyon ang pinakamamalaking bituin sa Los Angeles, sa muling nagningning na Emmys gala na ngayon ay balik “in person” ng Hollywood awards.
Binuksan ng host na si Kenan Thompson ang programa sa pamamagitan ng isang dance number sa saliw ng medley ng mga sikat na TV show theme, gaya ng “Friends” at “Game of Thrones,” bago pinapasok ang talk show legend na si Oprah Winfrey, na pinarangalan bilang “the most successful broadcast medium in the world: television.”
May ilang sorpresa sa first half ng show, kung saan tumanggap ng tropeo ang ilang popular na dramas gaya ng “Succession” at “Ozark,” ang limited series na “The White Lotus,” at comedy hit na “Ted Lasso,” at iba pa.
Ayon sa hitmaker na si Lizzo, ang kaniyang panalo sa “Watch Out For The Big Grrrls” sa competition program category ay isang panalo para sa “diversity.”
Aniya, “When I was a little girl, all I wanted to see was me in the media. Someone fat like me. Black like me. Beautiful like me.If I could go back and tell a little Lizzo something, I’d be like, ‘You’re gonna see that person, but, it’s going to have to be you.’”
Ang “The White Lotus,” isang satire sa kayamanan at pagkukunwari na ang setting ay sa isang marangyang Hawaiian resort, ay nakakuha ng dalawang acting prizes maging ang directing at writing honors, para sa kabuuang siyam na panalo.
Nguni’t lahat ay nakatuon sa drama categories at sa Netflix show na “Squid Game,” ang South Korean sneak hit kung saan ang mga kasali ay nagpapatayan para sa pera.
Inaasahang mauulit sa “Squid Game” ang naging tagumpay sa Oscar ng South Korean movie na “Parasite” at mananalo ito ng Emmy award.
Mahigpit kasi ang mga kalaban nito gaya ng “Succession,” na sa kabuuan ay humakot ng 25 nominasyon.
Sinabi ni Pete Hammond, awards columnist para sa Hollywood publication na Deadline, “It’s pretty hard to go against that HBO juggernaut. Experts polled by awards prediction site Gold Derby have tipped “Succession” as the favorite. But I do think (‘Squid Game’) is going to win best actor,” na kung mangyayari, si Lee Jung-jae ang magiging unang winner sa kategorya para sa isang non-English performance.
Nakatikim na rin naman ng tagumpay sa Emmy ang South Korean series, kung saan apat na tropeo ang nakuha nito sa isang pre-gala event kung saan maraming statuettes ang ini-award sa minor categories, at isa rito ay nakuha ni Lee Yoo-mi para sa best guest actress in a drama.
Ang iba pang palabas na maglalaban-laban para sa top drama prizes ay ang Apple TV+ dystopian workplace series na “Severance,” na pinagbibidahan ni Adam Scott, at ang final season ng pinupuring crime saga na “Ozark” ng Netflix.
Inaasahan din na si Zendaya, na naging pinakabatang best actress winner dalawang taon na ang nakalilipas para sa hard-hitting teen drama na “Euphoria” ng HBO ay muling mananalo bilang best actress.
Sa best actor category para sa best comedy series, ay maglalaban sina Jason Sudeikis, at Bill Hader habang si Jean Smart ay inaasahan ding muling mananalo bilang best comedy actress para sa “Hacks,” kung saan ginampanan niya ang papel ng isang tumatanda nang Las Vegas diva na napilitang i-reinvent ang luma na niyang stand-up routine.
Pawang mga bago naman ang nominees sa limited series section, na nagbibigay parangal sa mga palabas na may isa lamang season. Apat sa limang magkakalaban ay tungkol sa real-life scandals.
Ang in-person Emmy ceremony ay hudyat ng pagbabalik sa normal, matapos mapuwersa ang producers na gawing remote ang 2020 at 2021 editions dahil sa COVID-19.
Ang show sa isang downtown Los Angeles theater ang siya ring unang major Hollywood awards ceremony mula nang maganap ang extraordinary Oscars ngayong taon.
© Agence France-Presse